HINDI na nakalabas nang buhay ang 14-anyos na dalagita matapos makulong sa nasusunog nilang bahay kaninang umaga sa Las Piñas City.
Natutulog pa ang biktima nang matupok ang kanilang bahay sa Camella Homes, Barangay Pulang Lupa Dos kaya hindi ito nakalabas.
Sinubukan pa umanong sagipin ng ama ang biktima pero dahil malaki na ang apoy ay hindi na ito nakaakyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ng dalagita.
Sa imbestigasyon ng Las Piñas BFP, nagsimula ang apoy sa isang kuwarto sa ground floor ng two-storey na bahay na pag-aari ng pamilya Peña dakong alas 7:55 ng umaga.
Dakong alas-8:54 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.
Inaalam pa ang sanhi ng insidente at ang kabuuang halaga ng pinsala.
231 