DARK CHOCOLATE KONTRA SAKIT SA PUSO

DARK CHOCOLATE-1

Sino ba ang ayaw o umaayaw sa sarap ng tsokolate mapainumin man ito, candy, dessert at iba pa?

Siguro kung may umaayaw sila ang mga allergic sa cocoa.

Ang pagkain at pag-inom ng tsokolate ay hindi naman luxury na matatawag dahil may buti ito sa ating kalusugan at proven na ito sa mga isinagawang pag-aaral.

Pero sa talakayang ito ay mas bibigyan natin ng pansin ang dark chocolate dahil mas marami itong substances o compounds na mas beneficial sa ating kalusugan.

DARK CHOCOLATES

DARK CHOCOLATE-HEALTH BENEFITSBagama’t may kamahalan ito kumpara sa mga ordinaryong mga chocolate, hindi naman namemenos bagkus ay mas mataas ang health benefits na nakukuha sa dark chocolates.

Ang kakaw sa uri ng tsokolateng ito ay may flavanoids na uri ng antioxidant. Ang antioxidants ay mga substance na pumuprotekta sa ating cells para malabanan ang epekto ng free radicals – molecules na napo-produce kapag ang katawan natin ay nagbi-break down ng mga pagkain o kung lantad tayo sa usok ng sigarilyo at radiation.

Ang dark chocolate ay mataas sa minerals tulad ng zinc, iron, at magnesium.

MINERALS SA DARK CHOCOLATES

Ang zinc ay makatutulong para ang ating immune system at metabolism ay mag-function. Importante rin ito sa paggaling ng ating mga sugat at tumalas ang sense of taste and smell natin.

Ang iron ay ang importanteng component ng hemoglobin, ang substance sa ating red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen mula sa ating baga papunta sa buong katawan.

Samantala, ang magnesium ay isang cofactor sa mahigit sa 300 enzyme systems na nagre-regulate ng diverse biochemical reactions sa ating katawan, kabilang dito ang protein synthesis, muscle at nerve function, blood glucose control, at blood pressure regulation.

Ang magnesium ay malaking bagay para malabanan ang depresyon. Pangontra rin ito sa type 2 diabetes o sa high blood pressure at may anti-inflammatory na mga benepisyo.

Ang tsokolate ay nagmula sa kakaw, na isang halaman na may high level ng minerals and antioxidants. Popular din ang mga commercial milk chocolate na may cocoa butter, sugar, milk, at kaunting dami ng cacao. In contrast, ang dark chocolate ay may mas mataas na amount ng kakaw at kaunti lamang ang asukal kumpara sa milk chocolate.

IBA PANG HEALTH BENEFITS

Maliban sa flavanoids, ang dark chocolates ay mayroon ding antioxidants properties na flavanols at polyphenols.

Antioxidants neutralize free radicals at naiiwas tayo nito sa oxidative stress.

Ang oxidative stress ay tumutukoy sa pagkasira ng sobrang dami ng free radicals na maaaring makaapekto nang masama sa cells at tissues ng ating katawan.

Nagko-contribute ang oxidative stress sa natural aging process. Kalaunan ang mga epekto ng oxidative stress ay maaaring makapagbigay sa development ng iba’t ibang uri ng mga sakit.

SAKIT SA PUSOAng mga sakit na ito ay tulad ng sakit sa puso, mata, diabetes, Parkinson’s disease, cancer at Alzheimer’s disease.

Kontra sakit sa puso. Para makaiwas sa anumang sakit sa puso, ang regular na pagkain ng dark chocolate ay mainam sa kalusugan.

Ang flavanols na ilan sa compounds na makukuha sa dark chocolates ay nakaaapekto sa dalawang pangunahing risk factors para sa mga sakit sa puso tulad ng high blood pressure at high cholesterol.

Sa isinagawang pag-aaral noong 2015, ang pagkain araw-araw ng 25 grams (g) ng dark chocolate sa walong linggo ay malinaw na nagpakita ng pagbaba ng blood pressure kumpara sa mga taong kumain ng parehas na dami ngunit ito ay white chocolate lamang.

Samantala, may findings din noong 2017 na inihayag mula sa isang review na ang beneficial effects ng dark chocolate sa blood pressure ay maaaring mas significant sa mas matatanda at sa may mataas na peligro ng cardiovascular disease, as oppose sa younger, healthy individuals.

Kontra kolesterol. Ang dark chocolates ay naglalaman din ng certain compounds tulad ng polyphenols at theobromine, na maaaring makapagpababa ng mga lebel ng low-density lipoprotein (LDL) cholesterol sa katawan at nagpapataas ng lebel ng high-density lipoprotein (HDL) cholesterol.

Ayon sa mga doktor ang Doctors LDL cholesterol ay tumutukoy bilang “bad cholesterol” habang ang HDL cholesterol ay tinatawag na “good cholesterol.”

Sa isinagawang pag-aaral noong 2017, ang pagkain ng dark chocolates sa loob ng 15 araw ay nagpakita ng pagtaas ng HDL cholesterol levels sa mga taong may human immunodeficiency virus o HIV. Gayunman, ang dark chocolate consumption ay hindi nakaapekto sa LDL cholesterol levels sa isinagawang study participants.

Kontra pamamaga. Ang pamamaga ay isang bahagi ng natural immune response ng ating katawan sa germs at iba pang harmful substances. Gayunman, ang chronic inflammation ay maaaring makasira sa cells, tissues at maaaring makapagpataas ito ng peligro sa ilang health conditions, kabilang dito ang type 2 diabetes, arthritis, at iba pang tiyak na uri ng cancer.

INFLAMATIONAng dark chocolate ay naglalaman ng compounds na may anti-inflammatory properties na maaaring makapagpababa ng pamamaga sa katawan.

May isang small pilot study na isinagawa noong 2018 kung saan kinabibilangan ito ng limang healthy individuals na na-examine sa epekto ng dark chocolate sa kanilang immune system. Sa naging resulta, iminumungkahi nito na ang pagkain ng malaking amount ng 70-percent dark chocolate ay nakaaapekto sa activity of genes na nag-regulate sa immune response. Gayunman, nanatiling hindi pa malinaw ang naturang pag-aaral kung ito ba ay magiging practical significance.

Sa isinagawa pang pag-aaral noong 2018, napag-alaman ng mga researcher na ang pagkonsumo ng 30g ng 84-percent dark chocolate kada araw sa walong linggo ay nagpakita ng pagbaba ng inflammatory biomarkers sa mga taong may type 2 diabetes. Ang mga may akda ng naturang pag-aaral ay nagsabing kailangan pa nila ng mas malalim o karagdagang pag-aaral pa para ma-evaluate ang optimal amounts ng dark chocolate para magamit upang magamot ang taong may diabetes. (ANN ESTERNON)

1031

Related posts

Leave a Comment