Deadlock sa bicam MANGGAGAWA PINAASA LANG SA WAGE HIKE

MISTULANG pinaasa lang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga manggagawa na magkakaroon ng legislated wage increase matapos magkaroon ng deadlock sa bicameral conference committee.

“Matigas ang posisyon ng Senate sa kanilang version ng wage increase proposal. Dahil dito, nagka-deadlock ang proseso at nanganganib na mawala ang matagal nang panawagang legislated wage increase dahil hanggang ngayon na lang ang session para aprubahan ang bicam report,” pag-amin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Si Brosas na bahagi ng contingent ng Kamara sa Bicam para sa wage hike ay kasama sa mga kongresista na nag-lobby sa kanilang counterpart sa Senado subalit hindi umano interesado ang mga senador.

“Kaya tanong namin sa Senate at sa Presidente: Bakit hindi umuusad ang usapin? Nakanino ang bara? Hindi pa nga ito aabot sa nakabubuhay na sahod dahil P100-P200 wage increase lang ito, pero parang pinagdadamot pa ng gobyerno,” ani Brosas.

Nais umano ng mga senador na P100 lamang ang umentong ibigay sa lahat ng manggagawa sa bansa habang ang mga kongresista ay P200.

“Ang mga manggagawa ang apektado sa pagkaantala na ito, kaya dapat magkaisa na ang lahat para maipasa ang legislated wage increase na ito,” pakiusap ni Brosas, ilang oras bago isinara ang 19th Congress kahapon.

Bago ito, umapela ang National Wage Coalition (NWC) na binubuo ng BMP, KMU, NAGKAISA! At TUCP, sa Kamara na ang bersyon ng Senado na P100 ang sundin kaysa walang matatanggap na umento ang mga manggagawa.

“If the House fails to adopt the Senate bill today, no alibi, no matter how technical, can cover up inaction at a time when prices are surging, wages are stagnant, and working families are pushed to hopelessness every single day,” ayon sa NWC.

“Mr. Speaker: Do not let this bill die. Do not tell workers to wait again. Filipino workers and their families have waited through nearly four decades of ‘barya-barya’ increases and poverty wages from the broken regional wage board. Mr. Speaker, do not turn your back on the working poor while inflation erodes wages, and obscene business profits soar,” dagdag pa ng mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

26

Related posts

Leave a Comment