DELAYS SA MGA KASO SA CA AT LABOR DISPUTE, PINATUTULDUKAN

PINATUTULDUKAN ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang mga bureaucratic delays sa pagresolba sa mga kasong inaapela at mga usapin na may kinalaman sa trabaho.

Muling inihain ni Go ang Senate Bill Nos. 1186 at 1187 para sa pagbuo ng Court of Appeals (CA) at National Labor Relations Commission (NLRC).

Muling iginiit ni Go na kadalasang naipagkakait ang

right to a speedy trial at kadalasang natatagalan ang pagresolba sa kaso dahil sa mga hindi inaasahan at oppressive delays.

Sa ilalim ng SBN 1186 pinaamyendahan ang Batas Pambansa Bilang 129 o Judiciary Reorganization Act upang i-restructure ang CA upang i-declog ang mga kaso sa kanila.

Layon nito na bumuo ng tatlo pang dibisyon sa CA na may tig-tatlong miyembro.

“Let us help strengthen the judiciary in fulfilling its role and functions. Kailangang agarang naaaksyunan at nabibigyang pansin ang lahat ng mga kaso nang walang pili at walang pinapanigan kundi ang katotohanan at kung ano ang makatarungan. Tandaan natin na justice delayed is justice denied,” saad ni Go.

Nakasaad din sa panukala na dapat tuloy-tuloy ang ng pagdinig at resolbahin ang mga kaso sa loob ng 3 buwan maliban na lamang kung palalawigin ng Chief.

Samantala, layun naman ng SBN 1187 na amyendahan ang mga probisyon sa Labor Code of the Philippines at bumuo ng dagdag na dibisyon ng NLRC sa Davao City.

Daragdagan din ang bilang ng mga commissioner mula sa 23 ay gagawing 26 sa bawat NLRC division.

Binigyang-diin ni Go ang dumaraming bilang ng local at overseas workers kaya’t mas dumarami ang responsibilidad ng NLRC.

“Creating an additional division of the NLRC will be beneficial for the proper administration and implementation of the labor laws and rules,” diin nito.(Dang Samson-Garcia)

145

Related posts

Leave a Comment