DELIVERY RIDER NAPATAY NG PULIS

DEPENSA ng isang 31-anyos na pulis Maynila, accidental firing ang sanhi ng pagkakabaril niya sa isang delivery rider makaraang pumutok ang kanyang service firearm sa barangay hall sa Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi.

Gayunman, isasailalim sa masusing interogasyon ng Manila Police District-Homicide Section si P/Cpl. Oliver Ferrer na nakatalaga sa MPD-Station 1 at residente sa Malaya St., Balut, Tondo.

Si Ferrer ang itinuturong suspek sa pagkamatay ng biktimang si Jayson Capistrano y Carreon, residente sa Gagalangin, Tondo.

Batay sa ulat ni Det. John Paul Rojo, bandang alas-10:45 ng gabi nang aksidenteng mabaril ng pulis si Capistrano.

Nauna rito, nagtungo si P/Cpl. Jerome Mingote y Capistrano, naka-assign sa MPD-station 11, kay Chairman Joseph Lipasa sa barangay hall na kung saan naroroon ang biktima at si Cpl. Ferrer.

Habang kinakausap ni Ferrer ang biktima nang lumapit si Cpl. Capistrano at pabiro umano itong nagbunot ng baril

Dahil sa magkakilala ang dalawang pulis, nagbiro rin umano si Ferrer at nagbunot ng kanyang service firearm ngunit biglang pumutok at tinamaan ang biktima.

Mabilis naman nilang isinugod sa Chinese General Hospital ang biktima ngunit dakong alas-12:52 ng madaling araw nang malagutan ito ng hininga.

Nabatid sa report ng pulisya na si Cpl. Mingote at ang biktima ay magpinsan. (RENE CRISOSTOMO)

136

Related posts

Leave a Comment