SOUTHERN LEYTE – Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang delivery wing van na nahulog sa bangin sa bayan ng Pintuyan sa lalawigan dakong alas-12:00 ng tanghali noong Biyernes.
Naipit ang driver sa loob ng cab ng van na nawasak ang bubong at nabasag ang salamin.
Nakatalon naman ang pahinante bago nahulog sa bangin ang truck ngunit grabe ring nasugatan makaraang bumagsak sa kalsada, habang nagkalat sa kalsada ang tumilapong dry goods na karga ng van.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa direksyon ng kasunod na bayan ng San Ricardo ang van nang mawalan ito ng preno habang paparating sa pakurbadang highway.
Nawalan ng kontrol ang driver at inararo ang concrete barriers bago patayo pa ring bumagsak sa 20ft na lalim ng bangin.
Sinagip naman ng mga tauhaan ng Pintuyan MDRRMO ang dalawa at parehong isinugod sa ospital. (NILOU DEL CARMEN)
144
