2 HVIs NA TULAK KULONG SA P714K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P714,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City, nitong Linggo ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police ang suspek na sina alyas “Tol” at “Leonard”.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 kahapon ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit (DEU) sa Brgy. Panapaan 4, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P714,000, buy-bust money, android cellphone at isang pulang Honda Click na may plakang 956XZF. (SIGFRED ADSUARA)

63

Related posts

Leave a Comment