DEPED: SILID-ARALAN NG HIGIT 27-M ESTUDYANTE SAPAT

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY sapat na silid-aralan na magagamit ang may 27.8 milyong estudyante sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga ito para sa School Year 2019-2020 sa Hunyo 3.

Ito ang tiniyak ni Education Undersecretary Alain Pascua.

Ayon kay Pascua, may 12,752 bagong silid-aralan silang nakahanda para sa pagbubukas ng klase, na maaari nang magamit ng mga mag-aaral.

Bukod pa rito, mayroon pa rin aniyang panibagong 66,050 classrooms na under construction at inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong ito.

Hinihintay na rin aniya nila ang turnover ng may 50,000 silid-aralan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na isinailalim sa konstruksiyon mula taong 2015 hanggang 2018.

Dahil dito, wala aniya silang inaasahang magiging problema pagdating sa isyu ng silid-aralan ngayong School Year 2019-2020.

Nauna rito, sinabi ng DepEd na dahil sa pagkaantala nang pagpapasa sa 2019 national budget ay hindi natuloy ang konstruksiyon ng may 4,100 silid-aralan dahil hindi umano sila nakapag-award ng mga kontrata mula Enero hanggang Marso.

202

Related posts

Leave a Comment