TATANGKAIN ni world floor exercise gold medalist Carlos Edriel “Caloy” Yulo na makabawi sa final ng vault apparatus sa gymnastics competition sa Ariake Gymnastics Centre.
Umusad ang 21-anyos na si Yulo sa vault finals noong Hulyo 24 nang tumapos na pang-anim sa walong qualifiers.
Nabigo naman siyang makapasok sa final round ng paborito niyang floor exercise.
“Kaya pa po mapataas ang score,” ang matipid na pahayag ng 2019 world champion kaugnay sa 14.712 score niya sa vault qualifier.
Ngayon (Agosto 2), 5:30 ng hapon nakatakda ang final attempt sa inaasam na Olympic gold medal ni Yulo. (ANN ENCARNACION)
182 