DILG: ‘Mga PDL NG BJMP LIGTAS SA COVID-19’

TINIYAK ni Interior Secretary Eduardo Año na ligtas ang persons deprived of liberty (PDL) na nakakulong sa mga bilangguang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa pandemyang novel coronavirus-2019 o COVID-19 dahil sa pagpapatigil ng pagdalaw sa kanila ng kani-kanilang mga mahal sa buhay simula noong Marso 11.

“With the suspension of visitation rights, the PDLs have no way of contacting the virus and are therefore much safer than all of us who are out in the open and exposed to the movement of people and the virus,” paliwanag ni Año sa kalatas na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“We want people to be in their homes doing home quarantine. Our PDLs are effectively on home quarantine already since they’re locked up,” susog pa ng kalihim na nagretiro bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff ngayong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa rekord ng DILG, mayroong 468 na kulungang hawak at pinangangasiwaan ng BJMP sa buong bansa.

Tiniyak din ni Año sa loob ng 24-oras araw-araw ay mayroong umiikot na mga doktor at nars sa lahat ng bilangguan ng BJMP.

“While the PDL are incarcerated, we have their welfare in mind. Sa gitna ng krisis sa COVID-19, hindi namin isinasantabi ang kanilang kapakanan kaya maaga pa lang ay marami ng hakbang na ipinatupad ang BJMP para masigurong ligtas sila sa COVID-19,” pahayag ni Año.

Bagamat ipinagbawal ang pisikal na pagdalaw sa mga PDL, maaari pa ring makausap ng kanilang mahal sa buhay ang mga bilanggo, sa pamamagitan ng “electronic dalaw” (e-dalaw), banggit ni Chief Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP. Sinimulan

umano nila ito ilang araw bago isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon noong Marso 16.

Mayroong sampu hanggang 15 minuto upang makausap ang bawat PDL, sa pamamagitan ng Skype o Facebook bawat araw mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, saad noon ni Solda. NELSON S. BADILLA

276

Related posts

Leave a Comment