Malaki ang pasasalamat ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto dahil maraming naipon ang aktres dahil dito.
Kabi-kabila ang naging endorsements ng aktres dahil sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa naturang serye.
“Nabilhan ko ng bahay ‘yung nanay ko at saka makakapag-aral si Callie sa gusto niyang eskwelahan dahil dito. Callie will finish as a pilot because of Kadenang Ginto, and that means golden to me.”
“I will never forget. Callie will be off to college next year, for aviation in Australia. And because she will be leaving, you can imagine, grade 12 na po siya ngayong June. Next year, didiretso siya sa Australia for the next three or four years para mag-piloto,” emosyonal na pahayag ni Dimples.
Si Callie ay panganay na anak nina Dimples at Boyet Ahmee. Malaki rin ang pasasalamat ng aktres dahil nakakasama na rin sa ilang endorsements ang bunsong anak na si Alonzo.
Ayon kay Dimples, kailangan niyang bumawi sa oras sa kanyang pamilya kapag natapos na ang Kadenang Ginto ngayong Biyernes dahil halos sunod-sunod ang naging teleserye niya mula pa noong 2016.
Bago muling tumanggap ng trabaho ay susulitin muna ng aktres ang mga panahon na makasama ang buong pamilya.
“We have a couple of projects po. I will still be with the same unit. Pero may mga movies po akong gagawin in between para mas maluwag lang ‘yung load ko po to give way for vacation with my family. Miss na miss ko na ang aking pamilya. Hihingi lang ako ng dalawang linggo, parang ang tagal ‘di ba? And then magmo-movie ako,” pagbabahagi niya.
