DIPOLOG LGU, TRABAHO PARTY-LIST NAGPAKAWALA NG 99 TURTLE HATCHLINGS

NAKIISA si TRABAHO Partylist Nominee Atty. Johanne Bautista sa pagpapakawala ng 99 Olive Ridley sea turtle hatchlings sa dagat sa Dipolog Boulevard, Dipolog City.

Ang pagpapalabas ng mga hatchlings ay pinangasiwaan nina Mayor Darel Dexter Uy at OIC-City ENR Officer Atty. Gratian Tidor.

Bukod sa mga personnel ng City Environment and Natural Resources Office, ang pagpapalabas ng mga sea turtle hatchling ay sinaksihan din ng mga lokal mula sa Dipolog upang ang aktibidad ay magsilbing aral sa kahalagahan ng partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng balanseng marine ecosystem.

“Maraming salamat po kina Mayor Darel at Ma’am Vanny sa inyong pag-imbita at pagtanggap sa TRABAHO Party-List!,” ani Bautista.

Kamakailan, lalo pang tumaas ng 10 pwesto ang Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS February 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations.

7

Related posts

Leave a Comment