DOH BALIK-KAMPANYA KONTRA YOSI KADIRI!

BALIK sa kampanya kontra sigarilyo ang Department of Health (DOH) sa “Yosi Kadiri” program.

Kasama ang mga bagong karakter, ibinida nina Vape Sulasok, Eva Li at Ate Rose ang mga posibleng panganib na dulot ng vape at sigarilyo sa puso at baga ng mga Pilipino.

Ayon sa DOH, mahigpit ang ugnayan ng ahensiya laban sa paggamit ng vape at tobacco dahil sa mga sakit na makukuha sa mga ito gaya ng atherosclerosis, iba’t ibang uri ng kanser, at EVALI o Vaping Use-Associated Lung Injury.

Batay sa datos, mahigit 88,000 Pinoy ang namatay dahil sa paninigarilyo noong 2021—katumbas ng sampung Pilipino kada oras.

Nagbabala rin ang DOH na hindi ligtas ang vaping, lalo na’t tumaas sa 24.6% ang paggamit ng e-cigarettes sa kabataan mula 11.7% noong 2015.

Giit ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, “Walang Bagong Pilipinas na amoy-yosi. Hindi bago ang Pilipinas kung ang baga ng Pilipino ay may lason ng vape.”

Patuloy ang DOH sa pagtutok sa mahigpit na regulasyon sa vape at tobacco products.

Kasabay ng panawagan ang pagtutulungan ng lahat ng sektor para protektahan ang mga Pilipino mula sa masamang epekto ng paninigarilyo.

(JULIET PACOT)

81

Related posts

Leave a Comment