DOH KINALAMPAG SA BENEPISYO NG HEALTH WORKERS

KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang Department of Health (DOH) hinggil sa mabilisang pagpapalabas ng lahat ng benepisyo ng healthcare workers sa bansa alinsunod sa itinakda ng batas dahil sila ang “kawawang nilalang’ na kumakalaban sa pandemya.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na hindi dapat sagarin pa ang pagtitimpi ng healthcare workers upang hindi mauwi sa pagprotesta o pagbibitiw sa tungkulin sanhi ng kawalan ng malasakit ng DOH sa kanilang kalagayan na nakatakda naman sa batas.

“Our medical frontliners, saddled by the COVID-19 workload, must receive all benefits and pay due them under the law,” ayon kay Poe.
‘Wag natin silang sagarin at itulak sa kalsada para magprotesta o mag-resign,” giit pa ni Poe.

Sinabi ni Poe na itinakda sa Bayanihan 2 ang mandato ng batas na hindi lamang special risk allowance ang dapat ibigay sa healthcare workers kundi iba pang benepisyo.

Kabilang sa benepisyong dapat matanggap ng healthcare workers na itinakda ng batas ang special risk allowance, hazard pay, accommodation, transportation allowance at pagkain upang matupad nila ang kanilang krusyal na tungkulin.

“They should also get free life insurance as part of their financial security as well as that of their families,” aniya.

Sinabi ni Poe na isinusulong ng Senado ang mas resonableng interpretasyon ng batas na hindi maghigpit sa pagbibigay ng special risk allowance sa lahat ng direktang kumakalinga sa pasyente ng COVID-19.

“In a pandemic, hospitals and health facilities are dangerous battlegrounds for all health workers, and they all deserve social benefits,” aniya

“The government must not shut its eyes to the woes of our medical frontliners and leave them groping in utter disillusionment,” patapos ni Poe. (ESTONG REYES)

160

Related posts

Leave a Comment