DOH KONTRA NA I-BAN ANG HOME QUARANTINE

KINONTRA ng Department of Health (DOH) ang binabalak ng pamahalaan na huwag nang payagan ang home quarantine sa mga mild at asymptomatic na kaso ng COVID-19.

Tugon ito ng DOH matapos sabihin ni Interior Sec. Eduardo Año na target na nilang ipa-ban ang pagpapagaling sa bahay ng coronavirus patients.

“The DOH has always been consistent in saying facility-based quarantine/isolation is preferred.

However, as we are ramping up establishments or conversion of more facilities to TTMFs, the option for HQ (home quarantine) needed to be considered,” ayon sa Health department.

Binigyang diin ng kagawaran ang requirements ng pagho-home quarantine, kung saan dapat ay may solong kwarto at palikuran ang confirmed case sa kanyang bahay.

Hindi rin pwede na may kasama itong vulnerable, tulad ng matanda at buntis, sa tahanan; at dapat na palagiang namo-monitor ng Barangay Health Emergency Response Teams.

“Otherwise, the patient should be transferred to a quarantine/isolation facility.”

Ayon sa DOH, mahalaga ang agarang quarantine o isolation ng bawat indibidwal sa oras na sila ay nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 at nagkaroon ng close contact sa isang confirmed case. (DAVE MEDINA)

112

Related posts

Leave a Comment