SANIB-PWERSA ang Department of Justice-Office of Cybercrime, Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Maynila at GCash upang palakasin ang laban kontra sa cybercrime, partikular sa sektor ng digital finance.
Ito ay matapos magsagawa ng pulong para sa pagpapahusay ng koordinasyon sa mga imbestigasyon, pagpapalitan ng impormasyon at mga hakbang upang maiwasan ang mga online financial crimes.
Binigyang-diin ng mga ahensya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang maprotektahan ang digital na ekonomiya.
Pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangakong magtulungan sa pagtugon sa mga bagong banta at mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga digital na plataporma.
(JULIET PACOT)
