DOJ, NTF- ELCAC NAGKONTRAHAN SA RED-TAGGING

PINALAGAN ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sinabi ni Justice secretary Menardo Guevarra hinggil sa di umano’y paglalagay sa balag ng alanganin ng task force sa sinomang inaakala nilang miyembro ng CPP NPA NDF.

Sinabi ni NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy, mas nalagay nga sa panganib ang mga tao nang sa mahabang panahon ay hindi nahubaran ng pagkakakilanlan ang mga miyembro ng CPP NPA NDF.

Binigyang-diin ni Badoy, na walang “red-tagging” at ang gumagamit aniya rito ay ang NPA sa layuning patahimikin ang mga masigasig na ilantad ang katotohanan tungkol sa kanila at kanilang mga aktibidad at propaganda.

Sinabi ni Badoy na nakalulungkot na tila hindi alam ni Guevarra ang isang ruling ng Korte Suprema sa kaso ng Zarate versus Aquino na nagsasabing walang peligro sa buhay, kalayaan at seguridad kung ang isa man ay nakilalang isang miyembro ng NPA.

Nauna rito, sinabi ni Guevarra na tigilan na ang pag-red tag sa mga inaakalang kalaban ng gobyerno. (CHRISTIAN DALE)

130

Related posts

Leave a Comment