DOJ UMATRAS SA APELA VS DE LIMA

WALA nang balak pa ang Department of Justice (DOJ) na ipursige ang mosyon ng mga piskal sa Muntinlupa RTC Branch 204 na humihiling na baliktarin ang pagkaabsuwelto ni ML party-list Rep. Leila de Lima sa isa sa tatlong kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa isang video na ipinost sa Facebook page, ibinahagi ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang plano hinggil sa hakbang ng mga piskal na humawak sa kaso ni De Lima.

“I actually talked to the Prosecutor General this morning and told him to stop the foolishness of these people under us because they are following a political agenda, not a legal agenda, so we will take over the case,” ani Remulla.

Sa isang pahayag, pinuri ni De Lima ang desisyon ni Remulla at iginiit na imbestigahan at parusahan ang mga piskal na umano’y matagal nang umaabuso sa sistema ng hustisya.

“The question remains as to what should be done with these prosecutors who have abused our justice system for far too long? I call on the Justice Department to properly investigate and sanction them,” dagdag pa niya. (JULIET PACOT)

14

Related posts

Leave a Comment