HIHIGPITAN na umano ng Departmmnet of Labor and Employment (DOLE) ang pagtatrabaho ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Sa panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre bello na magsisimula na sa Pebrero 15 ang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Department of Finance, Justice, Bureau of Immigration para pag-usapan ang pagtatrabaho sa bansa ng mga banyaga.
Idinagdag pa na kung kaya ng mga Filipino ang trabaho, hindi na kailangang ibigay pa sa mga banyaga o magbigay ng Alien Employment Permit (AEP) sa mga ito.
Kung hindi makapagpapakita ng AEP ang dayuhang manggagawa ay dapat itong ipadeport sa pinanggalingang bansa.
168