Dream team suportado ng Solid North BBM-SARA SA 2022

MASIGASIG na isinusulong ng tinaguriang Solid North ang anila’y dream team na pagtatambalan nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte para sa nalalapit na halalan para sa susunod na presidente at bise-presidente.

“Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. for president and Sara Duterte for vice president would be the right positioning if we consider the duo’s political exposure and experience,” giit ng isang kongresistang bahagi ng isang malaking alyansa ng mga prominenteng politiko mula sa mga lalawigang bahagi ng Ilocos region.

Kamakailan lamang ay nakipagpulong ang dating senador sa mga tinaguriang bigating politiko mula sa norte sa tahanan ng mga Marcos sa San Juan City kung saan hinimok ang anak ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Kabilang sa mga dumalo sina League of Municipalities president at Narvacan Mayor Chavit Singson, Isabela Governor Rudito Albano, League of Provinces president Presbitero Velasco at tinatayang 50 kongresista, gobernador at kilalang lider sa kani-kanilang lugar sa rehiyon.

Sa nasabing pulong, hayagang isinulong ni Velasco ang pagtakbong pangulo ng batang Marcos.

“Our previous decision to support the former senator in his bid for the presidency remained firm and unchanged, and we will also support whoever vice presidential bet he will take with him,” saad naman ng isa pang prominenteng personalidad na bahagi ng pagpupulong ng bukluran mula sa hilagang bahagi ng Luzon.

Katwiran ng Solid North, dapat anilang maging batayan sa pagpili ng kandidato sa pagka-pangulo ang mahabang panahon ng karanasan.

“Seniority must also count in preparing for a tandem that is expected to lead the nation through a stormy voyage caused by the coronavirus pandemic.”

Bagamat naniniwala umano silang isang matalinong political leader ang anak na alkalde ng pangulo, marami pa rin umano itong kailangang matutunan pagdating sa pagpapalakad ng isang bansa.

“Sara needs nurturing in national governance and will surely get her full political maturity after six years of running the country as a bright and able deputy to the President… after all she’s very much younger than Bongbong.”

Sakali anilang pumayag ang batang Duterte na maging running mate ni Marcos, hindi na pwede pang matinag ang kanilang tambalang kakatawan mula sa hilaga hanggang timog.

286

Related posts

Leave a Comment