CAVITE – Binawian ng buhay ang isang driver nang makaidlip at bumangga ang kanyang minamanehong sasakyan sa isang nakaparadang truck sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.
Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si Bernie Evardone Pajanustan, 28, ng Malagasang Road, Malagasang Imus City ngunit idineklarang dead on arrival.
Kinilala naman ang driver ng truck na si alyas Allang ng Asuki Construction sa Aguinaldo Highway, Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite.
Ayon sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.
Habang binabagtas ng biktima ang Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. San Miguel 2, Silang Cavite patungo sa direksyon ng south nang makaidlip ito naging dahilan upang rumampa ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumangga sa nakaparadang truck ni Allang. (SIGFRED ADSUARA)
155 