DRIVER NG SENADOR NAMATAY SA COVID-19

TULUYAN nang bumigay ang 73-anyos na staff ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sanhi ng corona virus 2019, ayon mismo sa senador, nitong Linggo ng hapon.

Sa kanyang text messages sa kapwa senador, sinabi ni Revilla na isang staff niya ngayon ang namatay sanhi ng COVID-19.

“Dear colleagues, it is with deepest sadness that I am informing u that my staff expired just today due to COVID,” ayon kay Revilla.

Hindi pinangalanan ang biktima ngunit, sinabi ng ilang source na matagal na itong nagsisilbi sa pamilya Revilla.

Ikaapat ang biktima na naging positibo sa COVID-19 na sumunod sa isang staff ni Senador Pia Cayetano na kasalukuyang naka-self quarantine at ginagamot.

Naunang nagpositibo sa virus si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na kasalukuyang bumubuti at lumalakas ang pangangatawan, sinundan ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na ngayon ay naka self-quarantine.

Naging positibo rin si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Marso 24, matapos magpasuri noong Marso 20 sa Research Institute for Tropical Medicine.

Umani ng batikos si Pimentel mula sa netizens nang magtungo ito sa Makati Medical Center upang ihatid ang manganganak na kabiyak. Kinondena ng MMC ang kanyang pagpunta dahil nalagay sa panganib ang kanilang frontliners.

Nagtungo rin si Pimentel sa S&R sa Bonifacio Global City noong March 16. ESTONG REYES

186

Related posts

Leave a Comment