DRUG DEALER NA EX-COP TIKLO SA PNP-PRO5

TINATAYANG aabot sa P374,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dating pulis na nasakote ng mga operatiba ni PNP-Police Regional Office 5 director, PBGen. Jonnel C. Estomo sa inilunsad na anti-narcotics operation sa bayan ng Cawayan sa Masbate.

Ayon kay P/Brig. Gen. Estomo, isang dismissed na pulis ang drug suspect na si Neljun Lepasana y Ortega, 30, residente ng Brgy. Divisoria ng nabanggit na bayan.

Nabatid na dating nakadestino sa PNP-National Capital Region, Southern Police District-Drug Enforcement Unit ang suspek bago umano naging full time drug dealer.

Si Lepasana ay kabilang sa listahan ng regional level high value target sa probinsya ng Masbate kaya binigyang prayoridad ng PNP-PRO5 na madakip agad dahilan para ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek.

Makaraan ang surveillance operation sa kinaroroonan ng suspek ay inilunsad ng pinagsamang mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5; PDEA Masbate Provincial Office, RID5-RSOU, PIU/PPDEU-Masbate PPO, Masbate MARPSTA, Masbate Airport PS, at MPDEU ng Cawayan MPS, ang buy-bust sting operation bandang alas-6:00 ng gabi noong Sabado na nagresulta sa pagdakip kay Lepasana sa Denielle Eco Park, Brgy. Poblacion, bayan ng Cawayan,

Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 55 gramo ng hinihinalang shabu na P374,000 ang halaga. (JESSE KABEL)

123

Related posts

Leave a Comment