DRUG DEN NABUWAG, 7 ARESTADO

NABUWAG ang isang hinihinalang drug den sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at MPD-Special Mayor’s Action Team, Mayor’s Office Manila, noong Miyerkoles na nagresulta sa pagkakaaresto sa pitong drug personalities at nasamsam ang 30 gramo ng umano’y shabu.

Sa report na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga nadakip na sina Manolito Lodronio Reyes, 41, drug den maintainer at siyang target ng operasyon; Narissa Dela Pena Reyes, 31, waitress; Ramon Lodronio Ferrer Jr., 40, construction worker; Hesus Mando Lodronio Reyes, 35, tricycle driver; Mario Lodronio Reyes, 34, construction worker; Eduardo Diaz Almiral, 50, construction worker, at Romeo Sunga Dela Cruz, 32-anyos.

Ayon kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) at Manila Police District-Office of the Mayor’s SMART, ang pitong indibidwal matapos na kumagat sa inilatag na buy-bust operation sa Paz St., Barangay 684, Paco, Manila.

Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Sa pahayag na ibinahagi naman ni Maj. Jhun Ibay, hepe ng Mayor’s Office SMART, nakuha sa pag-iingat ng pitong nadakip ang 30 gramo ng shabu na P204,000 ang halaga, drug paraphernalia, tatlong cellular phone at buy-bust money.

Nakapiit na sa PDEA Detention Cell ang mga suspek. (JESSE KABEL)

230

Related posts

Leave a Comment