DRUG DEN NABUWAG, MAINTAINER AT MGA KASABWAT ARESTADO

NAGSAGAWA ng buy-bust operation ang magkasanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug den maintainer at tatlong kasabwat sa Barangay Digal, Buluan, Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, katuwang ang PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, PDEA Regional Intelligence Section, Regional Special Enforcement Team, Land Transportation and Interdiction Unit, PDEU MDS/4th Platoon 2nd PMFC, 21st Mechanized Company 2nd Mechanized Battalion, 3MP 2nd PMFC PPO, at Buluan Municipal Police Station.

Nabuwag ang natumbok na drug den sa isinagawang operasyon, at nasamsam ng mga operatiba ang sampung heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na anim na gramo at may standard drug value na P40,800.00.

Nasamsam din ang isang cellphone, buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, at isang identification card.

Ang suspek na kinilalang si alyas “Rex,” 43-taong gulang, ay inaresto bilang drug den maintainer. Kasama rin niyang inaresto ang kanyang mga kasabwat na sina alyas “Talib,” 31; “Kongking,” 32; at “Ogie,” 25.

Lahat ng mga suspek ay residente ng Barangay Digal, Buluan, Maguindanao del Sur.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA BARMM Jail Facility at isasailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.

(JESSE RUIZ)

2

Related posts

Leave a Comment