INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na masusing i-monitor ang galaw ng presyo ng face masks at alcohol at dakpin ang mga magsasamantala.
Bunsod na rin ito ng napakataas na demand ngayon ng nasabing mga produkto na posibleng samantalahin ng mga negosyante.
Tiniyak ng Malakanyang na pananagutin ang sinomang negosyante na mapatutunayang nang-aabuso sa gitna ng kinakaharap ngayong health crisis.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, aarestuhin at sasampahan ng kaukulang kaso ang trader na iniipit o hindi inilalabas ang kanilang mga paninda sa harap ng mataas na demand ngayon bunsod ng nararanasang COVID-19 crisis.
Aniya, lilikha lang ng price increase sa mga pangunahing bilihin ang pagho-hoard ng prime commodities at hindi makapapayag dito ang pamahalaan. CHRISTIAN DALE
370 