DUQUE PALULUTANGIN SA SENADO Sa imbestigasyon sa PhilHealth

IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros na dapat nang humarap sa susunod na pagdinig ng Senado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kaugnay ng alegasyon ng katiwalian sa Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang apela ni Hontiveros sa Senate Committee of the Whole kung saan kailangang usisain si Duque kung bakit patuloy ang pananahimik nito sa katiwalian sa PhilHealth.
Ipinagtataka ni Hontiveros kung bakit hindi kasama si Duque sa imbestigasyon gayung 20-taon itong nanungkulan sa PhilHealth.

“Why is the Health Secretary unscathed in all this? Isa si Secretary Duque sa mga dapat magpaliwanag nang maigi ukol sa mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth. In fact, he has been
connected with PhilHealth in various capacities since 2001. Now on his second term as Chairperson of the Board of PhilHealth, he cannot deny responsibility for all irregularities inside such a vital
health institution,” paliwanag ni Hontiveros.

Si Duque, ay nagsilbing pangulo ng nasabing ahensya mula 2001 hanggang 2005, at naging Chairman of the Board taong 2005 hanggang 2009.

Sa mga unang pamumuno aniya ni Duque sa ahensya, isang ulat ng University of the Philippines- National Institutes of Health (UP-NIH) ay nagbabala hinggil sa sobrang administrative expenses ng PhilHealth na lampas sa pinahihintulutang limitasyong legal sa mga taong 2004, 2008 at 2009,   batay sa mga naitala na ulat mula sa Commission on Audit (COA).

Sinabi pa ni Hontiveros na si Duque ay nagsilbing pangulo ng PhilHealth mula taong 2004 nang ang P500 milyong pondo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay illegal na
nagamit sa pagbili ng PhilHealth cards na may pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang campaign slogan.

“If we want to clean up PhilHealth, we must go way back to 2001, when Secretary Duque was the PhilHealth President. With his long history in the institution, Duque cannot feign ignorance of this
systemic corruption,” sabi pa ng senador. (NOEL ABUEL)

104

Related posts

Leave a Comment