DUTERTE INUPAKAN SA ‘SMUGGLING’ NG COVID VACCINES

MAGIGING coddler ng smuggler ng COVID-19 vaccines si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpigil nito sa imbestigasyon kung saan kinuha ng Presidential Security Group (PSG) ang bakunang itinurok sa kanila.

Ito ang bwelta ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasabay ng paghahain ng kanyang grupo ng resolusyon para imbestigahan at alisan ng maskara kung sino ang ilegal na nagpasok ng Sinopharm vaccines sa bansa.

“What is becoming clear is that Duterte himself is a coddler and protector of vaccine smugglers in our country,” ani Brosas.

Nangangamba ang Makabayan bloc congressmen na dahil sa pagpapatigil ni Duterte sa imbestigasyon kung sino ang source ng smuggled vaccines ay hindi malayong marami nang bakuna ang naipasok sa bansa kahit hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) na isang paglabag sa batas.

“Maraming dapat ipaliwanag ang pangulo kaugnay ng vaccine smuggling at VIP na pagbakuna sa kanyang PSG. Bakit takot na takot siyang malantad ang katotohan kung paano at saan nanggaling ang bakuna?,” tanong pa ng mambabatas.

Hindi isinasantabi ng mambabatas ang usapin ng national security sa isyung ito dahil ang tinurukan ng hindi aprubadong bakuna ay puwersa na nagbabantay sa pangulo.

Kinastigo rin ng mambabatas ang pagbalewala ng Palasyo sa isyu na umaabot sa 100,000 Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nabakunahan na sa Pilipinas.

Indikasyon aniya ito na mayroon nang nagaganap na smuggling activities sa COVID-19 vaccines kahit wala pang inaaprubahang bakuna ang FDA kaya posibleng ito ang dahilan kaya ayaw pakialaman ng Palasyo ang pagbabakuna sa POGO workers.

“It is not surprising then that the Palace merely shrugged off the report that around 100,000 Chinese nationals in our country, mostly POGO workers, have already been vaccinated ahead of the official vaccine rollout,” ani Brosas. (BERNARD TAGUINOD)

104

Related posts

Leave a Comment