SWAK: Pinuri ang desisyon ng Eat Bulaga na isuspinde muna ang pagtanggap ng audience sa live performance ng naturang noontime show.
Sinimulan nila noong nakaraang Lunes na wala munang audience sa kanilang studio sa pangamba sa pagkalat ng COVID-19.
Naglabas sila ng announcement noong Lunes din bilang proteksyon sa artists, staff at crew at pati na rin ang audience.
Hindi pa raw nila alam kung hanggang kailan na wala silang audience. Pero nai-enjoy naman daw ng Dabarkads, dahil parang naglalaro lang daw sila sa studio.
SEX VIDEO NG VETERAN ACTOR KUMALAT NA
SEE: Marami ang nabahala sa pagkalat ng sex video ng isang magaling at iginagalang na veteran actor.
Ang sama pa nang nagkalat nito dahil in-edit nila na naka-split screen ang isa ring video ng anak ng veteran actor.
Marami nang nakaalam kung sino ang tinutukoy nito. Pero minabuting huwag na lang banggitin alang-alang kay veteran actor na iginagalang pa naman sa industriya.
Hindi na nga namin tinapos ang buong video dahil parang hindi namin maatim na pinapanood itong aktor na ginagawa ito sa edad niyang ‘yan.
Matagal na ngang pinag-usapan ang sex video na ito, pero ngayon lang kumalat.
Kagaya rin ng isa pang baguhang aktor at athlete na matagal na ring kumalat ang sex video niya, pero ibinalik uli pagkatapos lumabas ang pictorial nito sa summer campaign ng isang sikat na apparel.
KOMEDYANTE MAY BAGONG SHOW SA GMA 7
SWAK: May bagong programa palang binubuo ngayon ang GMA 7 na isang franchise show mula sa ibang bansa.
Tinanggap na raw ng isang sikat na komedyante ang bagong programang ito para mag-host.
Na-excite daw si komendyante dahil kakaiba raw ang concept ng show.
Nakiusap lang ang mga taga-Kapuso network na huwag munang ibigay ang buong detalye, at kung sino itong komedyante na maghu-host.
Hintayin na lang daw ang kanilang official announcement kaugnay sa programang ito.
GGV IBABALIK ‘PAG PUMALPAK ANG BAGONG SHOW?
SEE: Nagpaalam na ang ‘Gandang Gabi Vice’ noong nakaraang Linggo, March 8.
Meron pa silang pa-tribute sa comedian/TV host pero ang ipapalit na programa ay siya rin naman ang maghu-host.
Pina-plug na nila na isang reality singing show, ang ipapalit na ‘Everybody Sing’ ang title.
Pero ang latest na nababalitaan namin, medyo nahihirapan daw sila sa mechanics ng naturang reality singing show.
Kaya medyo nakaiintriga ang pahayag nila sa last episode ng GGV, na babalik din daw sila.
Nagdududa raw tuloy ang iba na baka posible ring ibalik ang ‘Gandang Gabi Vice’ kung hindi eepek itong ‘Everybody Sing’.
