EKONOMIYA GAGANDA SA BBM ADMIN – CEPA

bbm

KUMPIYANSA ang Chinese Enterprises Philippines Association (CEPA) na gaganda ang takbo ng ekonomiya sa bansa sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“We believe the favorable policies and development plan for its people will progress through the new government because that is what the Filipino people are expecting and looking forward to,” pahayag ni CEPA President Deng Jun.

Ayon sa CEPA, tiwala silang mas gaganda pa ang bilateral relations ng Pilipinas at China mula sa nagdaang anim na taon.

Patunay nito ang biglang paglobo ng bilang ng iba’t ibang Chinese enterprises na nakarehistro sa CEPA na nakapagtala ng 70% dagdag.

Ang mga kumpanyang ito ay itinuturing na kabilang sa key economic sectors gaya ng banking, communications, electricity, construction, logistics, manufacturing, medical care, home appliances, and trade na lumilikha ng libo-libong trabaho at nagpapalakas sa regional economy, ayon sa CEPA.

Nagkaisa rin ang CEPA members sa Pilipinas sa pagsuporta sa giyera kontra pandemya, panunumbalik ng trabaho at produksyon habang tumutupad sa kanilang social responsibilities.

“We are fully confident in the future growth of the Philippines. The country has an impressive number of excellent and dynamic workforce, a thriving Business Process Outsourcing (BPO) industry, and ambitious infrastructure construction plans spearheaded by its government,” ayon kay Jun.
Nasa kritikal na yugto ng pag-unlad sa kasalukuyan ang dalawang bansa. (JESSE KABEL)

434

Related posts

Leave a Comment