Games Tommorow:
(Filoil Flying V Centre)
2:00 p.m. – Cocolife vs Generika-Ayala
4:15 p.m. – Smart vs F2 Logistics
7:00 p.m. – Foton vs Petron
Wawalisin ng Petron ang first round sa pagsagupa kontra mainit na Foton sa Philippine Superliga All-Filipino Conference bukas sa Filoil Flying V Centre in San Juan.
Alas-siyete ng gabi ang laro at target ng Blaze Spikers ang ikapitong sunod na panalo laban sa tigasing Tornadoes, na nanaig sa huling lima ng kanilang anim na laro sa prestihiyosong women’s club tourney.
Bago ang main game, seselyuhan naman ng F2 Logistics ang third spot sa pagtipan sa Smart sa alas-4:15 ng hapon, habang ang Generika-Ayala ay magtatangkang makatabla sa Cignal sa pagharap laban sa Cocolife sa alas-dos ng hapon.
Kung mananaig laban sa Tornadoes, ang Blaze Spikers ay aangkinin ang top spot at tsansang makausad sa Pool A, kasama ang third, sixth at eighth-seeded teams para sa susunod round ng aksyon sa second half ng prelims.
Sa kabilang banda, ang Foton o F2 Logistics ay makukuha ang second spot para samahan ang fourth, fifth at seventh-ranked squads sa next round.
Ang Petron pa rin ang sinasabing beat-to-beat.
Pero para kay coach Shaq delos Santos, matagal pa ang laban.
“We’re really happy with what we have right now, but I always tell my players not to be complacent or contented,” pahayag ni Delos Santos kasunod ng 25-9, 25-12, 25-6 win kontra Sta. Lucia nitong Martes.
“I let them enjoy the win today. But I have to remind them that tomorrow will be a different story. We need to go back to practice and work hard because our mission is not yet done,” dagdag niya.
143