INAMIN ni Elisse Joson na nagulat siya at nakaramdam ng awkward feeling sa nalaman niyang love team nina McCoy de Leon at Miles Ocampo.
Dating magkasintahan at magka-loveteam sina Elisse at McCoy, na nasira lang dahil sa isang isyu sa kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan. Mula nang magpalitan ng mga hinaing sa isa’t isa sa social media, hanggang ngayon hindi pa nag-uusap ang dalawa.
Ngayong ipinapareha si McCoy kay Miles, hindi itinanggi ni Elisse na nakaramdam siya ng pagkailang sa umpisa.
Pero dahil nga magkahiwalay na sila ni McCoy ng kani-kanilang mga karera, tanggap ni Elisse ang team-up ng dating boyfriend sa iba.
Siya naman ay natitsismis kay James Blake, na agad naman niyang itinangging sila na nito.
Hindi kataka-takang ma-in love si James kay Elisse dahil sa kagandahan nito. Katunayan, siya ang ambassadress ng international beauty skin care line na Cathy Doll Ready 2 White mula sa Thailand. Sa dami ng mga magaganda sa Kapamilya, ang beauty ni Elisse ang napili ng franchise ng CDR2W dito sa Pilipinas.
###
Hayagan na ang pagpaparamdam ni Vice Ganda ng romantic relationship nila ng kapwa niya “It’s Showtime” mainstay na si Ion Perez.
Sa posting ni Vice ng larawan nila ni Ion na magkahawak ang kamay sa loob ng basketball court sa nakaraang Kapamilya All Star Olympics 2019, nakasaad sa caption ang masayang estado ng personal life nito ngayon, partikular na sa lovelife: “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME”.
Kinilig ang mga kaibigan sa showbiz ni Vice sa post nito.
KYLINE’S BLACK LIPSTICK, BASE SA BLUSANG ITIM NI SNOOKY
Tinuldukan na nang bonggang-bongga ni Kyline Alcantara ang walang katapusang isyu tungkol sa umano’y rivalry at silent war nila ng kapwa niya Kapuso actress na si Bianca Umali.
Natawa si Kyline sa harap ng press na nag-interview sa kanya sa presscon ng lalabas niyang launching movie na Black Lipstick noong Martes, na ginanap sa Max’s Resto, QC, nang mausisa na naman ito sa isyu sa kanila ng “Sahaya” lead star.
Sey ni Kyline, matagal nang naayos ang anumang controversy sa kanila ni Bianca na nag-ugat lang naman sa bangayan ng kani-kanilang mga fans.
Sabi nga ni Kyline, masaya sila ni Bianca sa naayos nang isyu sa pagitan ng kanilang mga tagahanga.
Kung may mga buntot pa ang mga ito, dedma na lang silang dalawa. Mas binibigyan nila ng importansya ang pagiging magkaibigan nila.
Samantala, inamin ni Kyline na halaw sa dating fantasy movie ni Snooky Serna na Blusang Itim ang Black Lipstick.
Nagbabago at gumaganda si Kyline sa tuwing gagamitin niya ang lipstick, na bigay sa kanya ng isang magandang babae na ipinapalagay niya na isang fairy godmother. May anti-bullying message ito para sa mga kabataan o millennials. Ka-loveteam niya rito sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer.
