EMPLEYADO NG IACT ITINUMBA SA BAHAY

CAVITE – Patay ang isang lalaking empleyado ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) makaraang barilin sa loob ng kanilang bahay sa Gen. Trias City noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Hervin Cabanban, empleyado ng IACT, at residente ng Heneral Uno, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite, namatay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon sa salaysay ng kanilang mga kapitbahay, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng putok ng baril subalit binalewala nila ito.

Kinabukasan, napansin nila na bukas ang pintuan ng bahay ng biktima kaya inusyoso nila kung saan nakita ito na duguang nakahandusay sa sahig at may tama ng bala sa ulo.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay at kung sino ang responsable sa krimen.

(SIGRED ADSUARA)

77

Related posts

Leave a Comment