ENGR. TAMAYO NG DPWH REGION 4B INARESTO PAGLAPAG SA NAIA

KAAGAD inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang OIC ng Planning and Design Division ng DPWH Region 4B na si Engr. Montrexis Tamayo matapos itong dumating sa bansa.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, nasakote si Tamayo sa NAIA Terminal 3 paglapag ng sinasakyang Emirates Airlines Flight UEA332 mula Dubai nitong Martes.

Agad siyang dinala sa CIDG office sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure at dokumentasyon, bago iharap sa korte.

Miyerkoles ng umaga, dinala si Tamayo sa Sandiganbayan para sa pagsauli ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds.

Si Tamayo ay isa sa tatlong akusado sa umano’y maanomalyang flood control project na unang nakalabas ng bansa.

(TOTO NABAJA)

25

Related posts

Leave a Comment