HABANG binabantayan ni Pangulong Ferdinad Bongbong Marcos Jr. ang pinsala ng magnitude 7.3 earthquake na yumanig sa ilang lalawigan sa Norte partikular sa Abra at Benguet ay tinutukan naman ni Executive Secretary Vic Rodrigues ang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kasama ni ES Rodriguez na nagsagawa ng kanilang damage assessment sina Department of National Defense (DND) Senior Usec.Jose Faustino Jr., Office of Civil Defense (OCD) Usec. Ricardo Jalad, Usec. Raymundo Ferrer, Asec. Raffy Alejandro, OCD Director Edgar Posadas at OCD Dir. Hamid Bayao sa NDRRMC Headquarters.
Sa inisyal na ulat na natanggap ng NDRRMC, nakapagtala ng nasawi sa Benguet, isa sa Abra at isa rin sa Mt. Province habang 16 ang sinasabing nasugatan.
Paglilinaw naman ni NDRRMC Spokesman Mark Cashean Timbal, wala pa silang official report sa eksaktong bilang ng mga biktima at lawak ng pinsala ng lindol. (JESSE KABEL)
192
