EXTRADITION POLICY SA BANSA PINAGTIBAY NG SC

INAPRUBAHAN ng Supreme Court ang mga bagong polisiya sa extradition ng indibidwal na may kasong kriminal o hatol na dapat isagawa sa ibang bansa.

Layunin nito matiyak ang pagkakapare-pareho at magkaroon ng gabay sa paghawak ng extradition cases.

Sa 16 pahinang dokumento inilabas ng SC, tinukoy ng Korte Suprema ang “extraditee” bilang sinumang nasa teritoryo ng Pilipinas na hiniling ng ibang bansa para sa extradition o pansamantalang pag-aresto.

Maaaring i-extradite ang isang indibidwal kung ang naging krimen ay pinarusahan ng parehong batas ng Pilipinas at ng humihiling na bansa ng may hindi bababa sa anim na buwang pagkakulong.

Inatasan naman ang extradition court na tapusin ang pagsusuri sa testigo sa loob ng isang araw at maglabas ng desisyon sa loob ng 30 araw matapos ang huling testimonya.

Kapag tuluyang inaprubahan ang extradition, magiging final at executory ang desisyon at dito na ililipat sa humihiling na estado ang kustodiya ng extraditee.

Sasagutin din ng humiling na bansa ang lahat ng gastos sa proseso ng extradition, maliban kung may ibang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon sa SC, epektibo ang rules simula November 10, 2025.

(JULIET PACOT)

14

Related posts

Leave a Comment