FLOOD GATE BINUKSAN SA MAYNILA

BINUKSAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila ang flood gate malapit sa bahagi ng Manila Yacht Club na palabas ng Manila Bay maaaring makatulong sa problema sa baha sa lungsod.

Pinangunahan ito ni MMDA Chairman Ron Artes at Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso upang makita gamit ang isang crane.

Sinabi ni Domagoso, na ang pagbubukas ng flood gate ay upang maibsan ang matinding baha sa lugar ng Malate,Ermita, San Andres at Paco.

Kabilang din sa mga kalye na makikinabang sa maayos na pagdaloy ng tubig baha mula sa Estero de Abad ay ang pablo Ocampo o Vito Cruz, taft Avenue,Roxas Blvd., at Quirino Ave.

Mananatiling bukas ang flood gate hanggang sa panahon ng tag-ulan ngunit isasara tuwing panahon ng tag-init upang kahit papaano ay maiwasan ang pagtaas ng coliform level sa Manila Bay.

Nilagyan din ng trash trap ang lagusan ng tubig sa may Manila Yacht Club upang makolekta ng mga tauhan ng MMDA ang mga aanurin na basura at hindi magtuloy-tuloy sa katubigan ng Manila Bay.

Kung mas matindi pa ang pagbaha, posibleng buksan din ang dalawa pang drainage kabilang sa may Remedios lalo na kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan at may bagyo.

Inaasahan naman na mababawasan o khit papaano ay hindi magkaroon ng baha s abahagi ng Malate lalo na sa kahabaan ng Taft Avenue.

Nilinaw din ng alkalde na malaking tulong ang sewage treatment facility sa Roxas Boulevard subalit dahil sa liit nito ay naiipon ang tubig at nagdudulot ng pagbaha.

“Malaking kaluwagan ito at nakita nga namin kanina ni Chairman kanina na nung inangat — ayon umagos yung tubig”, ani Domagoso.

(Jocelyn Domenden)

20

Related posts

Leave a Comment