FRENCH PEDOPHILE TIKLO SA MAKATI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang pedopilyang French national na wanted ng mga awtoridad sa Paris dahil sa pang-aabuso ng mga bata.

Kinilala ng BI Fugitive Search Unit (FSU) ang dayuhan na si Theddy Douglas Tissier, 42, inaresto sa Chino Roces Avenue sa Makati City ng mga operatiba ng FSU.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, inaresto si Tissier sa bisa ng mission order na inisyu ng French government na siyang nagsabi na ang dayuhan ay nasa Pilipinas.

“We are going to expel him and deport him back to his country. His presence here is inimical to our national interest as he poses a serious threat to our Filipino children,” ayon sa BI chief.

Ayon sa Interpol’s National Central Bureau (NCB) sa Manila, si Tissier ay wanted ng prosekusyon ng judicial tribunal sa Tours, France.

Kinasuhan siya sa korte ng “acquiring, possessing, offering, making available, recording and fixing pornographic image” ng mga bata na may edad 15-anyos.

Kinasuhan din siya ng pagmomolestiya at panloloko na paglabag sa French Penal Code.

(JOCELYN DOMENDEN)

346

Related posts

Leave a Comment