FRUSTRATED HOMICIDE SUSPECT TIKLO SA BINONDO

ARESTADO ang isang 39-anyos na suspek sa kasong frustrated homicide sa bisa ng warrant of arrest, sa Barangay 293, Binondo, Manila nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng Manila Police District Station 11, ang suspek na si

Jommel Alvarez, may asawa, residente ng Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Meynard Umali Vargas, hepe ng Warrant ang Subpoena Section, bandang alas-2:30 ng hapon nang matunton sa lugar ang suspek.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ihmie Michiko Custodio Gacad-Presto, ng Metropolitan Trial Court, Branch 5 ng Manila, inaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek.

Inirekomenda naman ng korte sa suspek na maglagak ng piyansang P36,000 para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

1

Related posts

Leave a Comment