444 GASOLINAHAN NAGPATAW NA NG EXCISE TAX SA PRODUKTONG PETROLYO

PETROLYO-12

NAGPATAW na ng dagdag-buwis ang 444 na mga gasolinahan sa kanilang produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa tala ng DOE, 369 na gasolinahan sa nasabing kabuuan ay mula sa Petron, 46 naman ang sa Shell at 29 ang sa Flying-V.

Paliwanag ng kagawaran, ang pagpapataw ng mga gasoline station ng excise tax sa kanilang produktong petrolyo ay nakabase sa bagong stocks kaya hindi maaaring magkasabay-sabay ang pagtaas ng presyo sa gasolina, diesel o kerosene.

Samantala, nagbabala ang DOE na mas marami pa silang maiisyuhan ng show cause order sa mga darating na araw na sa kasalukuyan ay umabot na sa 30 na mga gasolinahan ang kanilang pinagpapaliwanag kung bakit nagpataw na sila ng excise tax sa presyo ng kanilang mga produkto.

Kailangan lamang nilang mapatunayan na ang pinatawan nila ng excise tax ay mga bago nang stocks.

8

Related posts

Leave a Comment