Magandang balita para sa bawat pamilyang Filipino ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na mababawasan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre.
Ang tanya ay nasa P5 kada kilo ng LPG o P55 ang ibabawas mula sa kasalukuyang presyo.
Sa kasalukuyan, pumapalo sa higit P600 hanggang mahigit P800 ang halaga ng LPG (depende sa tatak nito), ayon sa DOE.
Hindi kalakihan ang P55, ngunit malaking bagay na ito para sa mga ordinaryong tao. Nakatutu-long na ito sa kanila, lalo pa’t ngayong Disyembre ay inaasahan nang walang tigil na tataas ang presyo ng mga bilihin.
Sa inisyal na impormasyon, inaasahang iaanunsiyo ng Eastern Petroleum Corp. ang pagbabawas ng presyo ng kanilang LPG bukas ng 6:00 a.m.
Inaasahan namang susunod ang iba pang kumpanya.
Ang nasabing bawas-presyo ay ikalawa na mula ngayong Nobyembre.
Ayon sa DOE, ang presyo ng LPG sa bansa ay nakatali sa presyong itinakda ng Saudi Aramco.
Ang Saudi Aramco na pag-aari ng pamahalaan ng Saudi Arabia ay siyang nagdidikta ng presyo ng LPG pata sa buong mundo kada buwan.
Ngayong Nobyembre, inanunsiyo ng Saudi Aramco na ang presyo ai $540 bawat metric ton (MT) mula sa $655 kada MT noong Oktubre.
552