(Nina SAMANTHA MENDOZA AT NELSON S. BADILLA)
Nagmimistulang imbakan ng Chinese Nationals ang Pilipinas para sa online gambling makaraang makakuha na naman ng panibagong ebidensya ang mga awtoridad na magpapatunay sa paniniwalang ito.
Iniharap ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Intsik na nadakip ng Cyber Crime Division (CCD) dahil sa online gambling sa Angeles City at Maynila.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, sina Yu Size, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quiao, Xiao Wen Lao, Cai Shut Rong, Lin Jingmin, Ju Shi Liu, Quo Zai Web, at Xiao Jian Zero ay naaresto sa bahay ni Li Kun Ling sa Punta Verde Subdivision sa Pulong Gatulad, Angeles City noong Nobyembre 23.
Sina Pan Jianbei, PanTaiyuan, Jie Ku, Shengbo Zhang, at Jian Lou Zhou ay nadakip naman sa Alpha Grandview Condominium sa Malate, Maynila noong Nobyembre 22.
Nakabatay sa search warrant ang nasabing magkahiwalay na operasyon.
Hindi lang ngayon nakahuli ang mga awtoridad ng mga Intsik na sangkot sa illegal online gambling.
Noong Nobyembre ng nakalipas na taon, 77 Intsik ang nahuli Makati dahil rin sa online gambling.
Noong Abril sa nakalipas ding taon, 55 Intsik naman ang nasakote dahil din sa ille-gal gambling sa Ba-taan.
Ilan lamang ito sa mga kongkretong datos na nagpapatunay na maraming Intsik na nahuhuli sa Pilipinas dahil sa illegal online gambling.
Ayon sa mga ulat na ipinarating sa media, walang kaukulang dokumento ang mga nadakip, dahilan upang pag-isipang mayroong kumikita sa opisyal ng ahensya ng pamahalaan na nakatoka sa pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ngunit, kapansin-pansin na wala pang nakukuhang “opisyal na ulat” ang media na mayroon nang nahuli at naparusahang opisyal ng pamahalaan sa katiwaliang ito.
Sa 15 Chinese na nahuli ng operatiba ng NBI, desk top computers, 25 cellphones, at iba pa ang mga ebidensyang iniharap ng NBI sa piskalya sa pagsampa ng kauku-lang kaso laban sa labinglima.
Partikular na nilabag ng mga suspek ang Presidential Decree 1602 na may kaugnayan sa Republic Act 10175 at Republic Act 8484 na may kaugnayan din sa Republic Act 10175.
150