NAITALA ng Globe At Home app, ang best partner para sa home internet connection, ang record number ng registered users nang pumalo ito sa 1,000,000 mark.
Hanggang December 2019, may 1,000,620 ang kumpirmadong total registered customers na nabenepisyuhan ng features nito na nag-aalok ng labis na kaginhawahan sa pagma-manage ng kanilang Globe At Home plans. Ang nasabing bilang ay inaasahang lolobo pa sa mga susunod na quarters dahil mas marami pang kapaki-pakinabang na features ang ipapasok buwan-buwan.
“The Globe At Home app is one of our most recent efforts to offer enhanced home internet experience for our customers,” wika ni Martha Sazon, SVP and Head of Broadband Business at Globe. “This is why we are thrilled to know that more homes are maximizing the benefits of the app to fully enjoy quality connectivity with their families.”
May features na dinisenyo upang maging hassle-free ang pagma-manage sa isang account, ang app ay nag-aalok ng kumbinyenteng digital alternative sa traditional methods. Sa paggamit ng isang kumbinyenteng app, madaling masusubaybayan ng mga customer ang kanilang data usage, makabibili ng promos at add-ons, makikita at mababayaran ang kanilang bills, makatatanggap ng freebies, makagagawa ng self-troubleshooting para sa basic connectivity issues at mata-track ang kanilang repairman o kahilingan para sa paglilipat ng lokasyon.
Sa Help and Support feature ng app, ang lahat ng kailangang malaman hinggil sa Globe At Home service— mula sa impormasyon ukol sa pinakabagong promos at mga bagong plans hanggang sa trouble-shooting tips— ay makukuha sa isang click lamang. Maaari ring i-activate at kanselahin ang content services na nakakonekta sa Globe At Home Postpaid subscription sa dashboard ng app.
Para sa Prepaid customers, sa Globe At Home App ay maaaring i-activate ang home internet service sa tatlong hakbang, i-track ang data usage, mag-load ng promos sa loob ng ilang segundo, at i-enjoy ang iba’t ibang rewards.
“We are continuously updating the app with more features such as real-time service ability check and the auto-debit option for payment. With these in the pipeline, customers can be assured that we will be working on further improving their home internet experience in the near future,” dagdag ni Sazon.
Bukod sa app, ang Globe At Home ay nag-aalok din ng mabilis at madaling applications via Facebook Messenger.
Ang Globe At Home app ay libre na i-download sa Google Playstore at sa App Store. Para sa karagdagang impormasyon, i- follow ang official Globe At Home Facebook page.
272