SUPPLY SAPAT PERO PRESYO NG LANGIS SISIRIT

oil1

(NI ROSE PULGAR)

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng petrolyo ng Pilipinas ngunit aasahan ang posibilidad na pagsirit sa presyo nito dahil sa epekto ng pagsalakay sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may ‘oil inventory’ pa na aabot sa isang buwan ang Pilipinas, mas mataas sa 15 araw na requirement ng DOE.

“Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani ni Cusi.

Magugunitang sinalakay ang dalawang planta sa Saudi Arabia nitong nakaaang Sabado na nakaapekto sa kalahati ng suplay ng langis na pinoprodyus ng bansa.

Inako ng grupong Houthi ang pagsalakay at ang naturang drone attacks ay inaasahang makababawas sa oil output ng Saudi Arabia ng 5.7 milyong bariles kada araw o 5 porsyento ng kabuuang suplay sa mundo.

Sinabi ni Cusi, ito ang dahilan ng pagsirit sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Nitong Martes nagtaas ang mga lokal na kumpanya ng langis ng P.85 sentimos sa kada litro ng diesel, P1.35 sa gasolina at P1 sa kerosene.

Dahil sa anunsyo ng pagbabawas sa produksyon sa krudo ng Saudi, sinabi ni Cusi na asahan na patuloy ang epekto nito sa presyo ng petrolyo sa mga darating na linggo.

488

Related posts

Leave a Comment