WB: EKONOMIYA NG PINAS, MALAGO

WORLDBANK12

(NI MAC CABREROS)

NANANATILING maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, ayon sa World Bank.
Sinabi ng World Bank na nasa 6.4 porsiyento ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon na mas maganda ang takbo kumpara noong nakaraang taon na 6.2 porsyento.

Ngunit haharap sa matinding pagsubok ang paglago ng ekonomiya, diin ng World Bank.
“Key domestic risks come from the delayed implementation of the public infrastructure investment projects, partly caused by delayed 2019 budget approval, and policy uncertainty over tax reform programs that could prolong weakened investor confidence,” pahayag
ng World Bank.
Binanggit ng multilateral lender na ang paglago ng ekonomiya ay pauusbungin ng malakas na paggastos ng mga Pinoy sa pangunahing pangangailangan  gayundin ang election spending.
“In the medium term, the government’s expansionary fiscal strategy could lead to fiscal sustainability challengers if not
accompanied by revenue increases. Still, strong macroeconomic fundamentals are in place to buffer against shocks,” ayon pa dito.
Upang makamit ng Pilipinas ang inaasam na paglago, kailangang magsagawa ang gobyerno ng structural reforms gaya ng paghimok sa mga investors upang lumakas ang kalakalan at lumawak ang labor market.

 

179

Related posts

Leave a Comment