GALAW NG UNVACCINATED HIHIGPITAN

SINABI ng Malakanyang na ang paghihigpit sa galaw ng mga taong unvaccinated ay maaari lamang ikonsidera sa oras na 50% ng populasyon sa Kalakhang Maynila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

“If we reach population protection or fully vaccinating 50% of those in Metro Manila, we can consider that suggestion. Let us wait because that 50% is within reach,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Tinukoy ni Sec. Roque ang panukala ni Presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na ang mga bakunadong indibidwal lamang ang papayagan na pumasok sa mga establisimyento at workplaces at maging sa paggamit ng public transport.

Sinabi ni Concepcion na ang pagpayag sa mga fully vaccinated na lumabas ng bahay para magtrabaho at iba pang aktibidades ay daan pasulong lalo na ngayon na ang epekto sa ekonomiya ay nararamdaman dahil sa matagal na lockdown.

“That is the way forward because the vaccinated is protected against severe COVID-19 and death due to COVID-19. There is Christmas spending and election spending in the last quarter, so we really need the vaccinated to stir the economy so we can enter the new year with income,” ayon kay Concepcion.

Tinatayang may 12.8 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagbibigay ang pamahalaan ng data kung ilan sa 12.8 milyong Filipino ang nakatira sa Kalakhang Maynila.

Sakop ng NCR Plus 8 ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal, Pampanga, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao. (CHRISTIAN DALE)

118

Related posts

Leave a Comment