GF naospital sa bugbog AKTOR INARESTO SA CAVITE

TAGAYTAY CITY – Inimbitahan sa presinto ang isang aktor dahil sa reklamo ng umano’y pagkulong at pagbugbog nito sa girlfriend na sexy actress sa isang hotel sa lungsod na ito, noong Huwebes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang sexy actress na si Ana Jalandoni habang inimbitahan naman sa presinto ang aktor na si Kit Thompson.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Thompson dahil sa pagkalat sa social media kung saan humihingi ng tulong si Jalandoni kasabay ang kanyang mga litrato na may mga pasa sa katawan.

Kinumpirma naman ng Tagaytay Police ang ginawa nilang pag-rescue sa sexy actress sa isang hotel matapos silang makatanggap ng tawag mula sa pamunuan ng establisimyento.

Si Jalandoni ay isinugod sa isang ospital habang binitbit naman sa presinto si Thomson upang magpaliwanag hinggil sa reklamo. (SIGFRED ADSUARA)

153

Related posts

Leave a Comment