GINANG NA SOLO SA BAHAY, PINATAY

QUEZON – Patay ang isang 52-anyos na ginang matapos na tadtarin ng saksak sa loob mismo ng kanyang bahay sa bulubunduking barangay sa bayan ng Padre Burgos, sa lalawigang ito.

Noong Lunes ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay ang biktimang si Imelda Santos habang nakabulagta sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Yawe.

Tadtad ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng suspek na posibleng nakilala ng biktima kaya pinatay ang huli.

Napag-alaman, mag-isang natulog ng nagdaang gabi sa kanilang bahay ang ginang dahil may pinuntahan ang mister at mga anak nito.  Malayo sa mga kapitbahay ang bahay ng pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

386

Related posts

Leave a Comment