GINANG PINUKPOK NG BATO NG SCAVENGER

SUGATAN ang isang 30-anyos ginang makaraang pukpukin ng bato sa mukha ng scavenger dahil umano sa selos, sa Building 19 sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang arestadong suspek na si “Jopet”, 30, jobless, binata, ng naturang lugar.

Samantala, nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Ma. Rosalina”, may live-in partner, vendor, ng nasabing lugar.

Ayon kina Police Staff Sergeant Wilson Estanislao Cruz at Police Captain Ryan Jay Balagtas, commander ng 10 Charlie Sector, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Salaysay ng testigo na kapwa vendor, kinakatok ng binata ang pintuan ng biktima kahit dis-oras ng gabi.

Lumabas naman umano ang biktima ngunit biglang pinukpok ito ng suspek ng bato sa mukha at noo.

Agad namang naawat ng testigo ang suspek na mabilis na tumakbo.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ang suspek na

nahaharap sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (frustrated murder).

Hinihinalang selos ang motibo ng suspek sa pananakit sa biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

43

Related posts

Leave a Comment