ARESTADO ang isang ginang makaraang umano’y magbenta ng abortion pills sa ikinasang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation makaraang inguso ng isang delivery rider ang operasyon ng suspek sa Maynila.
Nadakip ng mga tauhan ng NBI Dangerous Drugs Division sa Maynila ang suspek sa inilatag na entrapment operation noong Hulyo 14.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadakip ang suspek makaraang makipagtransaksyon ang isa nilang tauhan sa online selling nito ng “Do It Yourself” abortion kit.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) Law, Cybercrime Prevention Act at Pharmacy Law.
(RENE CRISOSTOMO)
